Aiko Melendez – may bago nang dine-date

Manila, Philippines – May bago na raw dine-date ang aktres na si Aiko Melendez.

Pag-amin ng 41-year old actress, hindi artista kundi politician ang bagong nagpapakulay ng kanyang lovelife.

Pero say ni Aiko, hindi pa niya boyfriend ang hindi pinangalanang pulitiko na mula pa sa North.


Sa ngayon, ine-enjoy na muna nila ang kanilang friendship.

Paglalarawan pa ni Aiko, mabait, nakakatawa at madaling pakisamahan ang lalaki na ilang beses na rin daw na-meet ng kanyang mga anak.

Dagdag pa ni Aiko, hindi naman daw siya mahilig sa politician at nagkataon lang daw.

Hindi kasi ito ang unang pagkakataon na naiugnay sa pulitiko ang aktres.

Naging boyfriend niya noon si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Facebook Comments