Pagbisita ni US President Donald Trump sa demilitarized zone sa pagitan ng North at South Korea, hindi natuloy

Amerika – Hindi natuloy ang sorpresang pagbisita sana ni US President Donald Trump sa Demilitarized Zone (dmz) sa pagitan ng North At South Korea.

Ayon kay White House Press Sec. Sarah Sanders, kinansela ang biyahe ni Trump dahil sa masamang panahon.

Dismayado naman si Trump lalo’t ito na ang pangalawang beses na naudlot ang pagbisita niya sa lugar.


Hindi inanunsyo ni Trump ang planong pagpunta sa DMZ dahil na rin sa tensyon sa pagitan ng Amerika at North Korea.

Facebook Comments