Aiko Melendez, sinampahan ng reklamo ang netizen na nanirang-puri laban sa kanyang anak na si Andre Yllana

Tinotoo ng aktres na si Aiko Melendez ang kanyang banta sa netizen na nanirang-puri laban sa kanyang anak na si Andre Yllana.

Kahapon ay personal na nagpunta sina Aiko, Andre, at ang nobyo ng aktres na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun sa Cybercrime Division ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame, Quezon City para magsampa ng reklamong laban sa Twitter user na nanira kay Andre.

Natukoy na rin daw nila ang pagkakakilanlan ng Twitter user na tinawag ng Kapuso Actress na isang “crazy pervert.”


Matatandaang nitong Lunes ay nagpahayag ng galit si Aiko laban sa Twitter user na may handle name na @jakolinks, dahil sa claim nitong mayroon siyang hawak na sex video scandal ni Andre at ia-upload niya ito kapag umabot sa 25,000 ang kanyang followers.

Hinamon ni Aiko na ilabas ng netizen kung mayroon nga itong hawak na video dahil kung wala ay magsasampa sila ng reklamo.

Una nang itinaggi ni Andre na may sex video ito dahil sa katunayan ay virgin pa siya.

Facebook Comments