Isang helicopter na ginagamit sa medical evacuation flight ang nawawala ngayon sa Palawan.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang naturang chopper na may sakay na 5 katao kabilang ang isang pilot, isang nurse, isang pasyente at 2 kasama nito ay nawawala mula pa kaninang alas-9:00 ng umaga.
Nag-take off ito kaninang alas-7:30 ng umaga mula sa Brooke’s Point, Palawan para sana mag-pick up ng pasyente mula sa Mangsee Island sa Balabac, Palawan at inaasahan sanang dadating ng alas-10:30 ng umaga sa Southern Palawan Provincial Hospital.
Subalit hindi na ma-contact hanggang ngayon ang Alouette helicopter na may registry No. N45VX ay ino-operate ng Philippine Adventist Medical Aviation Services (PAMAS).
Nagsasagawa na ng search and rescue operations ang mga awtoridad sa Palawan gayundin ng aerial search.