Lider ng Maligno Criminal Group, arestado ng CIDG

Naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation & Detection Group (CIDG) ang sinasabing lider ng Maligno Criminal Group.

Ayon kay CIDG Director PBGen. Romeo Caramat Jr., nasakote si Alvin Vasquez Ramboyon matapos ang isinagawang operasyon ng CIDG sa Cabuyao City, Laguna kamakalawa.

Nakuha sa pag-iingat nito ang calibre .45 at mga bala.


Nag o-operate ang grupo ni Ramboyon sa Laguna at karatig lalawigan kung saan kilabot ang Maligno Criminal Group sa Carnapping, Akyat Bahay, at Robbery hold up.

Sa ngayon nasa kostodiya na ito ng mga pulis at inihahanda ang patung-patong na kaso na kanyang kakaharapin.

Facebook Comments