Air assets ng AFP, nakaposisyon na para sa gagawing operasyon sa mga lugar na naapektuhan ng lindol

Nakaposisyon na ang mga air asset ng Armed Forces of the Philippines (AFP) partikular ang Northern Luzon Command para tumugon sa kailangang operasyon kaugnay ng naganap na malakas na lindol sa Ilocos Region at Cordillera Administrative Region.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Defense Officer-in-Charge Secretary Jose Faustino Jr., na kung kinakailangan pang magdagdag ng air asset ay handa nila itong gawin.

Naka-standby na rin aniya ang assets ng Philippine Navy sa Subic at anumang oras ay maaari itong i-deploy kung kakailanganin.


Handa na rin aniya ang relief items mula sa Office of Civil Defense (OCD) kung kailangan pa ng augmentation sa ginagawang relief operations ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Mayroon na aniyang naka-preposition na relief goods sa mga lokalidad na apektado.

Nagpapatuloy rin aniya ang road clearing operations, pangangalap ng dagdag pang mga impormasyon at pagsusumite ng mga situational report.

Facebook Comments