Agarang tulong sa mga biktima at inspeksyon sa mga imprastraktura na tinamaan ng lindol, panawagan ni Senator Lapid

Nagpahayag ng pag-aalala, simpatya at dasal si Senator Lito Lapid sa lahat ng naapektuhan ng lindol na tumama kahapon sa ilang bahagi ng Luzon kasama ang ilang parte ng Metro Manila.

Kaugnay nito ay iginiit ni Lapid sa local at national government na magsagawa ng agarang inspeksyon sa mga imprastraktura sa mga lugar na tinamaan ng lindol upang masiguro na ligtas ang lahat.

Pinapatiyak din ni Lapid sa pamahalaan na maibigay ang tulong na kakailanganin ng mga biktima ng lindol.


Nanawagan din si Lapid ng patuloy na panalangin para sa kaligtasan ng lahat ng mga apektado, at ang proteksyon ng ating mga kababayan mula sa posible pang aftershocks ng lindol.

Facebook Comments