Air carriers ng Pilipinas, magkakaroon na ng direct flight sa Davao mula United Arab Emirates

Manila, Philippines – Nagkasundo ang Plipinas at United Arab Emirates na magbukas ng direct flights sa Davao ang air carriers ngdalawang bansa mula sa UAE.
Sa harap ito ng problema sa air traffic congestion saNAIA.
Kabilang sa air carriers ng Pilipinas na magkakaroon ng ditektang flights sa Davao mula Dubai at Abu Dhabi ang Philippine Airlines,Cebu Pacific, Air Philippines at Philippines Air Asia.
Sa panig naman ng United Arab Emirates ay EmiratesAirlines,
Etihad Airways ,Air Arabiya at RAK Airlines
Una nang nagkasundo ang Pilipinas at UAE sa pitumpung flights  kada linggo na Manila-UAE-Manila kung saan tatlumpu’t limang flights dito ay sa air carriers ng Pilipinas at tatlumpu’t lima din sa air carriers ng United Arab Emirates.

Facebook Comments