Sikretong kulungan, hindi katanggap-tanggap – ayon kay Sen. Bam

Manila, Philippines – Para kay Senator Bam Aquino nahindi katanggap-tanggap ang sekretong bilangguan na natuklasan ng commission on human rights sa Raxabago police station sa Tondo, Manila.
Ayon kay Senator Bam, ang ganitong pagmamalabis ng mga pulis ay kailangang maimbestigahan at matigil.
Bunsod nito ay iginiit ni Aquino sa pamahalaan na pananagutin ang mga pulis na nasa likod ng naturang sikretong kulungan.

Ikinatwiran pa ng senador na bilang nangungunang ahensiya sa digmaan ng pamahalaan kontra droga, ay hindi dapat sirain ng Philippine National Police (PNP) ang tiwala ng publiko sa pamamagitan ng pagtiyak namaparurusahan ang mga tiwaling pulis.
Paalala ni pa ni Sen. Bam, nagbabantay ang buong mundo sa War on Drugs ng pilipinas at nakasasalay rito ang buhay ng maraming Pilipino.

Facebook Comments