Malapit nang magamit ng publiko ang bagong airconditioned at solar-powered na pampublikong palikuran sa bayan ng Mapandan.
Ito ay matapos inspeksyunin ng lokal na pamahalaan ang pasilidad na halos 100 porsyento nang kumpleto.
Ayon sa lokal na pamahalaan, magbibigay ito ng maayos at komportableng pampublikong palikuran sa mga residente habang nakatutulong sa pagbawas ng konsumo sa kuryente at gastusin sa operasyon.
Bukod dito, nakatutulong din ang paggamit ng solar power sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng paggamit ng malinis na enerhiya.
Matatandaan na noong nakaraang taon, nagtayo rin sa bayan ng air-conditioned waiting shed sa Barangay Poblacion na nakatutulong sa mga commuter lalo na sa panahon ng matinding init. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








