Manila, Philippines – Hinimok ni Negros Oriental Rep.Arnulfo Teves si House Speaker Pantaleon Alvarez na isama sa legislativepriorities ang mga panukalang batas na may kinalaman sa pagbibigay proteksyonat pagsusulong ng karapatan ng air passengers.
Kasabay nito ay itutulak ni Teves sa muling pagbabalik ngsesyon sa Mababang Kapulungan ang pagoobliga sa mga airlines na magbigay nginstructional manuals o materials na kung saan nakadetalye ang bawat karapatanat responsibilidad ng bawat pasahero ng paliparan.
Ang pagbibigay kaalaman sa mga pasahero sa kanilang mga karapatan at responsibilidad ay dapat na tinatrato ng may pagpapahalaga at urgency tulad ng pagtuturo sa publiko ng kanilang safety precautions at emergency instruction sa tuwing bumabyahe sa himpapawid.
Giit ni Teves, bagamat may inisyu ng Administrative Orderang DoT at DTI para sa air passenger bill of rights at sa obligasyon ng mga airlines sa kanilang pasahero ay mainam pa rin na may batas na susuporta dito upang maging permanente ang kautusan.
Mismong si Teves na myembro ng Committee on Public Order and Safety ay nakakatanggap ng samu’t saring reklamo sa mga paliparan tulad ng flight delays, overbooking, pagkawala ng bagahe maging ang mga hindi katanggap-tanggap na ugali ng mga airline crew na minsan ay sinasarili nalamang ng mga pasahero at hindi na inirereport.
Hindi aniya dapat mangyari sa Pilipinas ang nangyari sa Doctor na pwersahang pinaalis at kinaladkad sa eroplano ng United Airlinesdahil sa overbooking at sa katwiran na walang maupuan ang mga crew nito.