Manila, Philippines – Nagpapatuloy ang air strike ng Armed Forces of the Philippines laban sa Maute group sa Marawi City.
Ayon kay Task Force Marawi Spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera – sa nakalipas na 48 oras nagpapatuloy ang kanilang air strike sa mga high rise building kung saan dito posibleng nagtatago ang mga sniper ng Maute.
Wala pa din anyang utos ang tactical commanders sa ground para itigil ang kanilang opensiba.
Sa ngayon – matindi ang nakalatag na seguridad sa lugar kung saan nakadeploy ang tropa sa lahat ng posibleng lusutan ng mga terorista – palabas at papasok ng Marawi.
Kasabay nito – tiniyak ni Herrera na maganda ang takbo pakikipagdayalogo ng pamahalaan sa pagitan ng MILF at MNLF hinggil sa pagtulong nito sa nangyayaring krisis sa Marawi.