Air strike ng militar laban sa Maute Group, magpapatuloy

Manila, Philippines – Asahan pa ang pagpapatupad ng militar ng surgical air strike sa Marawi City.

Ito ang sinabi ni AFP 1st Infantry Division Spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera habang nagpapatuloy ang clearing operation sa Marawi City.

Gayunman, tiniyak ni Herrera na sinisikap ng militar na tapusin na ang operasyon sa lalong madaling panahon lalo’t panahon ng ramadan.


Kasabay nito, kinondena rin ni Herrera ang pagpasok at pagtatago ng Maute Group sa mga tahanan gayundin sa mga gusali ng gobyerno.

Facebook Comments