Air strike, patuloy pa ring isinasagawa sa Marawi City ayon sa AFP

Marawi City, Philippines – Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang airstrike laban sa mga teroristang Maute sa Marawi City.

Ayon kay AFP Spokesperson Bgen. Restituto Padilla na ginagawa pa rin ang airstrike subalit naka depende ito sa requirements ng mga nag-ooperate na mga ground troops.

Inihayag na Padilla na hindi nila itinigil ang airstrike dahil malaking tulong ito sa pag-neutralized sa teroristang Maute.


Ito’y kahit nagpapatuloy ang imbestigasyon kaugnay sa sumablay na airstrike na ikinasawi ng 11 sundalo habang pito ang sugatan.

Sa ngayon, gumugulong na ang imbestigasyon kaugnay sa nasabing insidente.

Sinabi ni Padilla na maingat ang militar ngayon sa kanilang operasyon dahil may mga sibilyan pa rin ang naiipit ngayon sa labanan na target ma rescue ng militar.

Kamakailan nasa 182 na mga sibilyan ang narescue ng mga sundalo kung saan umabot na sa kabuuang 1,236 na mga sibilyan ang nailigtas mula sa kamay ng mga terorista.

Hindi naman masabi ng AFP kung ilan talaga ang bilang ng mga sibilyan ang na trapped.
DZXL558

Facebook Comments