Air strikes sa Damascus nagpapatuloy; Mga Pinoy pinayuhan na mag-ingat

Kasalukuyang mino-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon ngayon ng ating mga kababayan sa Damascus.

Ito ay matapos makatanggap ang ating Embahada sa Damascus ng report na kasalukayang may nagaganap na air strikes sa Syrian capital.

Tuloy-tuloy kasi ang ginagawang opensiba ng Israel Defense Forces laban sa Iranian Revolutionary Guards.


Ayon sa ating Embahada, patuloy ang kanilang ugnayan sa 1,000 miyembro ng Filipino community sa Syria at pinayuhan ang mga ito na manatiling alerto at makinig sa abiso ng local authorities doon.

Facebook Comments