Nagbigay na ng ilang travel tips ang Department of Transportation (DOTr) para sa papalapit na long weekend at Undas.
Ayon sa DOTr, inaasahan kasi ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan ngayong holiday season.
Narito ang ilan sa travel tips:
– Iwasan ang pagdadala ng matutulis na bagay para maiwasan ang pagkasira ng mga bagahe
– Huwag na rin magdala ng toxic materials na prone sa sunog
– Maiging gumamit ng security tamper-evident bags para sa duty-free items upang makadaan sa mga transit checkpoint sa mga paliparan.
-At huli ay alisin ang lahat ng metal at non-metallic items sa iyong katawan bago dumaan sa Walk Thru Metal Detector o Advanced Imaging Technology upang maiwasan ang pag-iwan ng mga item sa Security Screening Checkpoints.
Ito ay bahagi pa rin ng “OPLAN Biyaheng Ayos: SK Elections & Undas 2023” na ipinatutupad ng ahensya kasama ng Office for Transportation Security (OTS) upang magkaroon ng maayos na paglalakbay ang mga commuter.