DMW, blangko pa sa petsa ng pag-uwi sa labi ng 3 sa mga Pinoy na napatay sa giyera ng Israel at Hamas

Hindi pa masabi ng Department of Migrant Workers (DMW) ang eksaktong petsa ng pag-uwi sa Pilipinas ng labi ng tatlo pang mga Pilipinong namatay sa bakbakan ng Israel at Hamas militant group.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni DMW Usec. Bernard Olalia na ginagawa nila ang lahat ng paraan para mapabilis ang pag-uwi sa labi ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFWs).

Nanindigan naman ang DMW na huwag isapubliko ang pangalan ng mga biktima.


Una nang dumating sa bansa kahapon ang labi ng isa pang Pilipino na napatay ng Hamas militant group.

Ang biktima ay tubong Negros Occidental.

Facebook Comments