Walo ang patay habang sugatan naman ang iba pang pasahero ng airconditioned na bus matapos bumaligtad sa NLEX southbound lane sa bahagi ng Torres Bugallon, Valenzuela kagabi.
Ayon sa pamunuan ng NLEX traffic control center, binabagtas ng bus ng Buena Sher Transport Corp. ang north bound lane ng NLEX galing ng EDSA-Cubao papuntang Santa Maria Bulacan.
Ayon naman sa Hepe ng Valenzuela Police Station 6 na si police col. Carlito gaces, dinala na sa ospital ang mga sugatang pasahero kabilang na ang bus driver.
Matatandaang sinakop ng nakahambalang na bus ang dalawang linya ng kalsada kung saan nagdulot ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa kalsadang pinangyarihan ng insidente.
Sa ngayon ay wala pang detalye ang mga otoridad sa ngayon ay inaalam pa ang bilang ng mga pasaherong sugatan at kung ano ang dahilan ng pagtaob ng bus.