Aircraft counter hijacking course ng PNP-AVSEGROUP muling umarangkada

Pasay City – Limampung police officer na miyembro ng PNP Aviation Security Group ang sumasailalim ngayon sa Aircraft Counter Hijacking Course sa mismong headquarters ng PNP Aviation Security Group sa Pasay City.

Ayon kay PNP-AVSEGROUP Director Police Chief Superintendent Dionardo Carlos nagsimula ang ikalawang batch ng mga nagsasanay nitong June 18, 2018 na magtatagal ng 45 araw.

Sa bilang na 50 dalawa aniya rito ay mga babaeng police officer


Aniya isinagawa ang pagsasanay upang magtuloy-tuloy ang pag-angat ng kapabilidad ng mga miyembro ng PNP-AVSGROUP sa pagtupad ng kanilang misyong bantayan ang mga paliparan mula sa unlawful interference katulad ng pamamaril, pagpapasabog hijacking at terorismo.

Matatandaang nitong buwan ng Marso una nang nagtapos sa Aircraft Counter Hijacking Course ang 79 na mga police officer.

Sinabi ni Carlos na ang 79 na mga police officer na ito ay kabilang na sa special reaction teams of the special operations unit at ngayon ay naka-deloy na sa mga international airports sa bansa.

Facebook Comments