Aircraft seat capacity limit patungong Aklan, inalis na ng Civil Aeronautics Board

Inalis na ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang aircraft seat capacity limit sa mga flight papuntang Kalibo at Caticlan sa Aklan – ang karaniwang mga rutang para makarating sa Boracay.

Sa isang resolusyon, nagpasya ang CAB na alisin na ang limitasyon sa may higit 200-seat capacity sa mga flight papuntang Kalibo at Caticlan.

Ang nasabing resolusyon ay pinagtibay matapos hilingin ng Cebu Pacific noong Pebrero 21 na tanggalin ang 200-seat cap, na una nang nagkabisa noong Hulyo 15, 2019 kasunod ng rehabilitasyon ng Boracay.


Matatandaang nitong Holy Week, nakapagtala ang Boracay ng 22,519 na turista na sumobra sa 19,215 carrying capacity.

Facebook Comments