COMELEC, maglalagay ng makeshift polling precinct sa mga lugar sa Region 8 na sinalanta ng Bagyong Agaton

89

Magtatatag ang Commission on Elections (COMELEC) ng mga makeshift polling precinct sa mga lugar sa Region 8 na sinalanta ng Bagyong Agaton.

Ayon kay COMELEC Executive Director Atty. Bartolome Sinocruz Jr., nagpalabas na sila ng direktiba sa kanilang regional offices na bumuo ng pansamantalang polling precincts para remedyuhan ang sitwasyon.

Aniya, patuloy naman ang pagsusuri ng komisyon kung ilang eskwelahan na gagamitin sanang presinto ang nasira dahil sa bagyo.


Depende aniya sa kailangang laki ang gagawing mga makeshift polling precinct.

Kasabay nito, tiniyak ni Sinocruz na wala silang natanggap na ulat na may nasirang mga election paraphernalia na gagamitin sa eleksyon sa Mayo 9.

Ligtas din aniya ang Vote Counting Machines (VCMs) dahil nang tumama ang bagyo ay nasa mga barko pa ang mga makina.



Facebook Comments