Airline companies, hindi pa magtataas ng singil sa pamasahe sa kabila ng sunod-sunod na oil price hike

Tiniyak ng Civil Aeronautics Board (CAB) na wala pang nagiging pagtaas ng pamasahe ang mga airline company sa gitna ng mataas na presyo ng petrolyo.

Ayon kay CAB Operations Head Eldric Peredo, ang mga sinisingil na pamasahe ng mga airline company bansa ay pasok pa rin sa pinapatupad nilang price range na makikita sa fare matrix na ipinatupad noon pang 2018.

Aniya, kakailanganin pa ng karagdagang datos at malalim na pag-aaral bago magtaas ng pamasahe ang mga airline companies.


Gayunman, sinabi ni Peredo na kung magtutuloy-tuloy pa ang mataas na presyo ng gasolina ay maaaring singilin ang mga pasahero ng eroplano ng fuel surcharge na idinagdag sa base fare.

Nauna nang inalis ng mga ariline companies noong 2014 ang fuel surcharge dahil sa mababang presyo ng langis pero muling ibinalik noong 2018 nang tumaas ang presyo nito.

Facebook Comments