Pagpapalawig sa libreng sakay sa MRT-3, pag-aaralan pa

Pag-aaralan ng mga opisyal ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kung palalawigin pa ang kanilang libreng sakay pagkatapos ng April 30.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Engineer Michael Capati, malaki ang maitutulong sa mga pasahero sakaling mapalawig pa ang libreng sakay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Nauna nang sinabi ni Capati na umabot sa 281,507 na mga pasahero ang tumangkilik sa kanilang libreng sakay na sinimulan nitong Lunes, March 28.


Inaasahan naman aniyang aabot sa 300,000 hanggang 400,000 ang pasaherong makikinabang dito kada araw.

Facebook Comments