Halos karamihan ng local air carriers ay naka-recover na matapos ang epekto ng kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay AirAsia Chief Executive Officer Ricky Isla, 100 porsyento nang nakabawi ang kanilang Domestic Operations at malapit na rin silang maka-recover sa kanilang International Operations.
Sa harap ito ng pagbubukas ng AirAsia ng international flights.
Kaugnay nito, nagbukas na rin ang AirAsia ng kanilang hub sa Cebu bilang bahagi ng kanilang pagpapalawak ng operasyon lalo nat nalalapit na ang “ber” months.
Epektibo ngayong araw na ito, magkakaroon na ng flight ang AirAsia mula Mactan Cebu International Airport patungong Cagayan De Oro Boracay, Davao Manila, Puerto Princesa, Soul-south Korea at Kuala Lumpur, Malaysia.
Facebook Comments