SRA Administrator Hermenegildo Serafica, nagbitiw na rin sa pwesto

89

Nagbitiw na sa pwesto si Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenegildo Serafica.

Sa isang liham na pirmado ni Executive Secretary Victor Rodriguez na may petsang August 13, 2022 sinasabing tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kaniyang pagbibitiw sa pwesto effective immediately.

Nakasaad sa liham na nagsumite ng kaniyang resignation letter si Serafica nitong August 10, 2022.


Ito ay matapos na ihayag nang Malacañang ang iligal na pagpirma ng mga miyembro ng SRA at ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian sa resulusyong importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal.

Una nang nagbitiw sa pwesto si Sebastian.

Kaugnay nito tinanggap na rin ng Pangulong Marcos Jr., ang resignation ng isa pang miyembro ng sugar board ng SRA na si Atty. Roland Beltran.



Siya ay nag-file ng resignation nitong August 14 at tinanggap ng pangulo ang kaniyang pagbibitiw kahapon August 15, 2022.

Facebook Comments