Binuksan na muli ng technical team na pinangungunahan ng Qatar ang Kabul Airport sa Afghanistan upang bigyang-daan ang humanitarian works.
Dahil dito, asahan na ang pondong ibibigay ng United States Congress para sa aid efforts ng paliparan.
Malabo namang ibigay ito ng direkta sa Taliban dahil sa isyu sa seguridad.
Samantala, magpapatawag naman ng pagpupulong si UN Chief Antonio Guterres sa mga kinatawan ng mga bansa sa ika-labintatlo ng Setyembre para sa tulong na ihahatid ito sa Kabul.
Matatandaan, 13-US Service member at 170 iba pa ang nasawi sa nangyaring terrorist attack sa Kabul International Airport.
Facebook Comments