Manila, Philippines – Ipinahihinto ng grupo ng Gabriela sa Kamara ang airstrike na isinasagawa sa Marawi para ubusin ang grupo ng Maute.
Ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, inilalagay lamang nito sa alanganin ang buhay ng nga walang malay na sibilyan lalo na ang mga babae at kabataan.
Kasabay din nito ang hiling sa gobyerno na alisin na ang martial law sa Mindanao.
Mariin ding kinondena ng mambabatas ang all-out military offensive sa Marawi.
Sa tala ng Gabriela aabot na sa kabuuaang 50,327 families o 245,341 indibidwal sa 27 barangay ng Marawi at 13 barangay sa katabing bayan ng Marantao ang nagsilikas dahil sa giyera.
Kaugnay nito sinabi ng lady solon na lalahok siya sa isang national fact-finding mission sa Marawi upang idokumento ang lumalalang paglabag sa karapatang pantao sa Mindanao dahil sa batas militar.
DZXL558