Wednesday, January 21, 2026

Isang NPA, patay matapos ang naging engkwentro sa militar sa Sorsogon

Nasawi ang isang Communist NPA Terrorist (CNT) matapos ang naging engkwentro laban sa tropa ng 31st Infantry Battalion sa boundary ng Brgy. Banban, Donsol, at Brgy. Catamlangan, Pilar, Sorsogon.

Kinilala ang nasawi na si Bernardo Bodigon alyas Rico, isa sa mga natitirang myembro ng Sub-Region Committee 3 (SRC3) ng Bicol Regional Party Committee (BRPC).

Narekober sa lugar ng engkwentro ang dalawang M16 rifle, isang improvised explosive device at iba pang kagamitan.

Patuloy naman pagtugis ng militar sa mga natitirang miyembro ng nasabing grupo pati na rin sa kanilang lider na si Edgar Calag alyas Lucio, na wanted sa maraming kaso kagaya ang murder at rape.

Muli namang nanghihikayat ang militar sa mga NPA na sumuko na habang may pagkakataon pa.

Facebook Comments