Akala may ulcer: 17-anyos na babae, hinalay, nabuntis ng sariling lolo

7442

Namatay sa panganganak ang isang 17-anyos na babae sa Oton, Iloilo, na inakalang may ulcer lamang. Maging ang iniluwal na sanggol, binawian din ng buhay.

Ayon sa kaanak ng dalagita, nabuntis siya dahil sa panggagahasa ng sariling lolo.

Isinugod nila sa pagamutan ang biktima makaraang dumaing ng pananakit ng tiyan at biglang dinugo noong Nobyembre 9.

Sa isinagawang eksaminasyon, lumabas na pitong buwan na siyang nagdadalang-taon.

Doon na raw isiniwalat ng dalagita na makailang beses siyang hinalay ng lolo at nagbantang papatayin siya at pamilya niya kapag nagsumbong.

Naisilang pa ng biktima ang munting anghel ngunit sumakabilang buhay din kinalaunan.

Makalipas ang ilang araw, nasawi na rin ang babae sanhi ng komplikasyon at maselang pagbubuntis.




Nahaharap sa kasong rape ang nasabing lolo na kasalukuyang tinutugis ng awtoridad.


Facebook Comments