Pasaway na Motorista, Sugatan Matapos Maaksidente!

113

Cauayan City, Isabela- Sa ospital ang bagsak ng isang pasaway na motorista itong sumalpok sa sasakyan sa kahabaan ng Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela partikular sa harap ng kilalang mall sa Lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, kinilala ang naaksidente na si Marcelino Molina, 29 anyos, construction worker at residente ng Brgy. Luna, Quirino, Isabela.


Lumabas sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, mabilis umano ang patakbo ng motorsiklo na minamaneho ni Molina kaya’t sinuway ito ng mga otoridad na kasalukuyang nagpapatrolya.

Hindi umano sumunod si Molina sa mga sumita sa kanya hanggang sa masalpok nito ang isang Toyota Hilux na sasakyan na pagmamay-ari ni Jenelyn Rose Uy, 33 anyos, architech at residente ng Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Nagtamo ng mga pinsala sa katawan ang suspek at dinala sa isang pagamutan sa Lungsod ng Cauayan para mabigyan ng kaukulang lunas.

Nabatid na positibo sa nakalalasing na inumin ang suspek base na rin sa ipinalabas na resulta ng sumuring Duktor.

Hinihintay na lamang ang desisyon ng biktima kung magsasampa ito ng kaso laban kay Molina na posibleng maharap sa magkakaibang kaso.




Facebook Comments