
Sa pangunguna ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ay nagsasagawa ngayon ng memorial service ang House of Representatives para kay yumaong dating House Speaker Jose C. de Venecia Jr.
Present sa event ang kanyang misis na si Rep. Ma. Georgina de Venecia, at mga anak na sina Christopher, Joey, Vivian, Leslie at Alexandra.
Naglahad naman ng kanilang tribute para kay De Venecia sina dating Pangulo at dating Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, gayundin sina dating House Speakers Ferdinand Martin Romualdez, Feliciano Belmonte Jr. at Manuel Villar Jr., na dati ring naging Senate President.
Nakalinyang magbigay ng tribute, sina Senators Loren Legarda, Win Gatchalian, Juan Miguel “Migz” Zubiri, Conrado Estrella III, at sina dating Senator Mar Roxas at dating Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., at iba pang mga kongresista.
Kasama sa programa ang pagkakaloob ng legislative memorabilia sa pamilya De Venecia, at mayroon ding video presentation na nagpapakita ng buhay ni De Venecia sa public service.
Iprinisenta rin sa pamilya De Venecia ang House Resolution 758 na nagpupugay sa serbisyo ni dating House Speaker Jose de Venecia.










