Akbayan youth, posibleng i-akyat kay Pangulong Duterte ang reklamo laban kay Sec. Aguirre

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng grupong akbayan youth na i-akyat kay Pangulong Rodrigo Duterte ang reklamo laban kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre kaugnay sa pagpapakalat nito ng fake news.

Nabatid na ang nasabing grupo ay isa sa mga naghain ng ethics complaint sa Office of the Ombudsman laban sa kalihim.

Sa interview ng RMN kay Akbayan-Youth Secretary General Shama Bulangis – marami pang paraan para i-apela ang reklamo sakaling ibasura ng ombudsman ang nauna nilang complain.


Aniya, dapat masibak na sa pwesto si Aguirre dahil sa kanyang iresponsableng pahayag sa media.

Humingi ng paunmanhin si Aguirre sa mga ginawa nito.

Nabatid na pinaratangan ng kalihim na may kinalaman sa Marawi Siege sina Senador Bam Aquino at Antonio Trillanes IV, Magdalo Rep. Gary Alejano at dating political adviser Ronald Llamas.

Facebook Comments