Qatar, bukas na makipagnegosasyon sa Arab countries

World – Bumuwelta ang Qatar sa pagputol ng diplomatic relations ng ilang Arab countries sa kanila.

Nabatid na ang Saudi Arabia, Egypt, Bahrain at United Arab Emirates ay pinutol ang diplomatikong ugnayan nito sa Qatar dahil sa pagsuporta sa mga teroristang grupo.

Ayon kay Qatari Foreign Minister Sheikh Mohammed Bin Abdurahaman Al-Thano – maituturing na insulto at malinaw na panghaharas ang ginagagawa sa kanila ng mga nasabing bansa.
Aniya, hindi sagot ang mga blockades at ultimatums para magkasundo muli ang mga bansa kundi maayos na pakikipagdayalogo.


Facebook Comments