Aklan PNP, mas pinalakas ang pwersa laban sa mga armadong grupo

Aklan – Sa kabila ng nagpapatuloy na gulo sa Marawi City ag pagsalakay ng CPP/NPA sa siyudad ng Iloilo ang probinsya ng Aklan ay nakaalerto na rin dahil sa mga insidenteng ito.

Sa panayam ng RMN Kalibo kay PSSUPT. Lope Manlapaz, Aklan Police Provincial Office Director na mas pa ngayong pinalakas ng Aklan PNP ang kanilang pwersa laban sa mga grupo na nagsasagawa ng mga kaguluhan.

Dagdag pa nito na patuloy rin ang kanilang pagsasagawa ng mga checkpoint sa mga munisipalidad para ma-monitor ang mga taong pumapasok sa probinsya especially sa isla ng Boracay.


Maliban dito, naka-alerto din ang kanilang pwersa sa Kalibo International Airport sa tulong naman ng Philippine Army, PNP AVSEGROUP at magdadagdag pa sila ng mga tao.

Samantala, ang Maritime Police at Philippine Coastguard Aklan ay patuloy rin ang ginagawang seaborne patrol para mamonitor ag mga sasakyang pandagat na dumadaong.

Facebook Comments