Hindi lamang pagbabasa ang hatid ng Senator Leticia Ramos Shahani Library sa Asingan, kundi konkretong oportunidad para sa mga kabataang naghahanap ng trabaho, matapos itong gawing one-stop shop ng lokal na pamahalaan para sa libreng job application requirements.
Sa pamamagitan ng e-government services, direktang natutulungan ang mga first-time job seekers sa pagkuha ng mahahalagang dokumento tulad ng SSS, Pag-IBIG, at PhilHealth registration, gayundin ang police at NBI clearance. Mayroon ding libreng print station ng resume at application letter upang makabawas sa gastusin ng mga aplikante.
Layunin ng programa na alisin ang pinansyal na hadlang sa paghahanap ng trabaho, lalo na para sa mga kabataang kapos sa kakayahan.
Sa ganitong paraan, mas napapalapit sa mga residente ang tulong ng gobyerno at mas napapabilis ang paghahanap ng trabaho. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








