‘AKO ANG GAGASTOS’ | Mga lider ng mga komunistang grupo, inimbitahan ni Pangulong Duterte na umuwi sa Pilipinas

Manila, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumalik ng Pilipinas ang mga miyembro at lider ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NDFP) na nasa labas ng bansa.

Sa imbitasyon ng Pangulo, tiniyak niya na walang anumang gagastusin ang mga ito sakaling umuwi ng Pilipinas para sa pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan.

Ayon kay Duterte, handa siyang gumastos para lamang makamit ang inaasam na kapayapaan.


Sabi pa ng Pangulo, hindi kondisyon ang hinihingi niya sa makakaliwang grupo na tigil putukan kundi parte ito ng proseso.

Si Pangulong Duterte sa kanyang arrival speech sa Davao International Airport, kaninang madaling araw mula kanyang pagdalo sa Boao Forum sa China at pagbisita sa Hong Kong.

Facebook Comments