PAALALA | Doktor sa Manila Zoo, may paalala sa publiko para maiwas sa heat stroke ang mga alagang hayop

Manila, Philippines – Nagpaalala ang pamunuan ng Manila Zoological and Botanical Garden sa nararanasan ngayong tag-init na dahilan ng pagkamatay ng mga hayop at maging ng mga tao.

Ayon kay Dr. Heinrich Domingo, ang Officer In Charge ng MZBG, katulad ng mga tao, ang mga hayop ay dapat na alagaan upang huwag danasin ang heat stroke at iba pang sakit dulot ng napakainit na panahon.

Nalaman kay Dr. Domingo na sa Manila Zoo ay mayroong siyamnapu iba’t ibang specie ng mga hayop, 135 na mammals, mga ibon, 200 reptiles o umaabot sa kabuuang 641.


Paliwanag ni Dr. Domingo, bukod sa regular na nililinis, kailangan na regular ang pagpapalit ng tubig sa ponds ng mga hayop kung saan sila ay naliligo, kailangang basain din ang kanilang mga kulungan upang mawala ang mainit na singaw ng panahon.

Dagdag pa ng Veterinarian, may mga hayop na isinasailalim din sa Behavioral Enrichment upang hindi mainip katulad ng 43-anyos na elepanteng si Mala, na binibigyan ng mga prutas na nakalagay sa yelo upang magsilbi niyang pampalamig at ang mga pagong naman aniya ay pinaglalaro ng bola.

Pinaalalahanan ni Dr. Domingo ang mga may alagang hayop na iiwas ang kanilang mga alaga, gaya ng mga aso at ibon, sa direktang init ng araw, regular na paliguan, gamitan ng spray na may tubig upang mapreskuhan, ilagay sila sa malilim at malamig na lugar upang mailayo sila sa heat stroke at iba pang karamdaman.

Samantala, aminado si Dr. Domingo na malaking hamon sa kanila na malabanan ang heat stroke ng mga inaalagaang hayop sa Manila Zoo.

Facebook Comments