AKSIDENTE? | 7-anyos na bata, sugatan matapos aksidenteng mabaril ng kaniyang pinsan

Pasay City – Sugatan ang isang pitong taong gulang na batang lalaki matapos aksidenteng mabaril ng kaniyang 17-anyos na pinsan sa Pasay City.

Pinaglalaruan noon ng binatilyo ang kalibre trenta’y otso nang maiputok niya ito sa kanyang pinsan na tinamaan ng bala sa puwet.

Isinugod sa ospital ang biktima at makakaligtas naman ito ayon sa mga doktor.


Inaresto naman ng mga pulis ang suspek sa kasong illegal possession of firearms.

Giit ng binatilyo, napulot lang daw niya ang baril.

Pero ayon Superintendent Noel Flores, hepe ng Pasay Police, hindi umubra sa kanila ang palusot ng suspek.

Ibinigay na ang pangangalaga ng suspek sa Youth Center sa Pasay na sakop ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Facebook Comments