SUGATAN | Lalaki, sinilaban ang sariling asawa at anak

Negros Occidental – Nagpapagaling na sa ospital ang 23-anyos na nanay at 3 taong gulang na anak nito matapos silang sinilaban ng live in partner ng biktima sa Silay, Negros Occidental.

Madaling araw nitong Linggo nang buhusan ng 22-anyos na suspek ang kaniyang natutulog na mag-ina gamit ang lighter.

Nagtamo ng second degree burn ang mag-ina.


Kusa naman sumuko sa pulisya ang suspek kung saan iginiit niya na nangangaliwa ang kaniyang misis na matagal na nilang pinag-aawayan.

Dahil dito, nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek.

Facebook Comments