AKSIDENTE | Driver ng nakasagasang kotse sa 6 na katao sa Las Piñas – kinasuhan na!

78

Manila, Philippines – Nakilala na ang anim na nasugatan sa pag-araro ng isang kotse sa Daanghari Road, Las Piñas City kaninang umaga.

Kasalukuyang ginagamot sa ospital ng Muntinlupa sina John Arcete, Roque Arcete, Mark Adelan, Oyen Mendoza, Niño Dante at Irene Borlagdan.

Una rito, nag-aabang lang ng jeep sa gilid ng kalsada ang mga biktima nang mawalan ng kontrol ang paparating na Mitsubishi Mirage na minamaneho ni Clark Joshua Aquino.

Sinampahan na ang driver ng kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries.

Facebook Comments