AKSIDENTE | Isa patay, habang isa sugatan sa salpukan ng tricycle at taxi

Manila, Philippines – Patay ang isang 63-anyos na tricycle driver na kinilalang si Mario Diaman, matapos salpukin ng taxi ang minamaneho nitong tricycle sa Brgy. Socorro, Quezon City.

Wasak na wasak at nagkahiwa-hiwalay ang tricycle ng Diaman at tumaob pa ang side car nito.

Sa report ng Quezon City police traffic sector 3, binabagtas ng taxi na minameneho ni Ralph Yurag ang kahabaan ng P. Tuazon papuntang EDSA.


Pero pagsapit sa 15th avenue, tinumbok nito ang paparating na tricycle na minamaneho ng senior citizen.

Dead on arrival sa Quirino Memorial Medical Center si Diaman, habang sugatan ang pasahero nito na kinilalang si Nixon delos Santos.

Nasa Kampo Karingal na ang sangkot na taxi na wasak din ang harapan matapos sumalpok sa isang poste ng kuryente.

Facebook Comments