AKSIDENTE | Isang babae, patay sa salpukan ng tricycle at Multicab sa Cagayan

Cagayan – Patay ang isang babae matapos magsalpukan ang tricycle at Multicab sa bayan ng Lal-Lo, Cagayan.

Nakilala ang biktima na driver ng tricycle na si Shaliana Castro, 28-anyos at residente sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, sinubukan mag-overtake ang biktima subalit sumalpok ito sa kasalubong na multicab na minamaneho ni Samuel Ferrer.


Sa lakas ng impact, nagtamo ng malubhang sugat ang biktima kung saan dinala pa ito sa ospital pero idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Facebook Comments