Nagpaabot na ng pakikiramay at simpatya ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagkamatay ng ating kababayan sa United Arab Emirates (UAE).
Ang hindi na pinangalanang 22-anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) ay nahulog umano mula sa ikatlong palapag na kanyang pinagtatrabahuhan sa Ajman, UAE nito lamang November 23.
Isinugod pa ang biktima sa Sheikh Khalifa Hospital pero idineklarang dead on arrival.
Ayon kay Consul General Paul Raymund Cortes sa ngayon ay nakikipag-ugnayan sila sa naulilang pamilya ng biktima.
Tuloy din ang kooperasyon ng ating embahada sa mga local authorities sa UAE upang mabatid kung mayroong foul play sa pagkamatay ng OFW.
Samantala, tiniyak naman ng DFA na sasagutin na nila ang repatriation ng mga labi ng biktima.
Facebook Comments