Aksidente sa Bisperas ng Undas

Bisperas ng Undas naganap ang isang aksidente sa tapat ng Calasiao Cemetery sa Mc. Arthur Highway.
11:04 ng gabi ng naganap ang salpukan ng dalawang motor na tatlong tao ang apektado sa aksidente. Ayon sa mga saksi nakainom umano ang mga ito at mabilis ang pagpapatakbo.
Isa ang patay, at ang dalawa naman ay nasa hospital at patuloy na inoobserbahan.
Patuloy pa rin ang paalala ng mga kapulisan na maging maingat sa pagmamaneho, magsuot ng helmet at huwag magdridrive ng nakainom.
Photo Credited to Nel Caoile

Facebook Comments