Bilang ng mga tao na nagtutungo sa Loyola Memorial Park sa Marikina, mas mababa kumpara noong nakaraang taon ng undas

Manila, Philippines – Naniniwala si EPD District Director Chief Supt. Romulo Sapitula na malaking epekto ang buhos ng ulan kaya bumaba ang bilang ng mga nagsisitungo sa Loyola Memorial Park sa Marikina.

Ayon kay Sapitula noong nakaraang taon alas dies ng umaga ay pumapalo na sa 15 libong katao pero ngayon ay pitong libong katao lamang ang nagsisipagdagsaan sa naturang sementeryo.

Paliwanag ni Sapitula bukod sa sama ng panahon ang iba ay kahapon pa lamang ay nagsisidalaw na sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.


Giit pa ng heneral walang dapat na ipangamba ang mga pumapasok sa sementeryo dahil nakakalat ang humigit kumulang 500 mga Law enforcers kabilang ang mga Jr Police, at mga Force Mulitipliers na aagapay at magbabantay sa 38 hektarya lawak kung saan mahigit 50 libong nakalibing kabilang ang mga kilalang personalidad na sina dating Senador Miriam Defensor Santiago, Sen Ernesto Maceda, German Moreno, Nida Blanca,tiya Dely Magpayo, Francis Magalona, Julie Vega, mga Ozone victims at iba pang mga kilalang personalidad.

Facebook Comments