AKSIDENTE SA CABATUAN, 6 SUGATAN

CAUAYAN CITY- Sugatan ang tatlong drayber at tatlong pasahero matapos masangkot sa aksidente ang sinasakyang behikulo kahapon ika-4 ng Hunyo sa Brgy. Diamantina, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang drayber ng Trailer Truck na si Jonard Batan at ang drayber ng Wing Van ay si Ramses Advincula lulan sina Jerald Sanchez at Gerardo Papellero.

Habang ang drayber ng kulong-kulong ay isang menor de edad lulan nito si Jason Delos Angeles at ang drayber ng aluminum van ay si Mark Doner Bigornia.


Watch more balita here: MILITAR AT TERORISTA MULING NAGKAENGKWENTRO; 2 SUNDALO, SUGATAN

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, binabaybay ng trailer truck at wing van ang parehong direksyon nang aksidente nabangga ng wing van ang likurang bahagi ng trailer truck.

Makalipas ang ilang minuto, sunod naman na naaksidente ang kulong-kulong nang mag-overtake ito sa sinusundang sasakyan at napunta sa linya ng paparating na aluminum van.

Bilang resulta, nagtamo ng sugat sa katawan ang drayber ng wing van, kulong kulong, at aluminum van maging ang mga pasahero nito.

Facebook Comments