PAGSASAMPA NG KASO, HINDI NA ITUTULOY NG PAMILYA NG NASAWING SALES LADY

Cauayan City – Inurong na ng pamilya ng nasawing sales lady ang dapat na isasampang kaso laban sa tsuper ng pampasaherong bus na nakabangga sa kanilang kaanak sa Brgy. Sinamar Sur, San Mateo, Isabela.

Watch more balita here: GINANG, ARESTADO DAHIL SA PAGTUTULAK NG ILEGAL NA DROGA

Matatandaang nangyari ang aksidente ng mag-overtake ang bus sa sinusundan nitong behikulo ngunit hindi nito napansin na tumatawid noon ang biktimang si Julie Dumo.


Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa San Mateo Police Station, napagkasunduan ng dalawang panig na magkaroon na lamang Compromised Agreement.

Ayon sa kanila, nakapagbigay na ng inisyal na bayad danyos sa pamilya ng biktima ang kampo ng nakabangga kaya’t nakalaya na ang tsuper ng bus.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ng pamilya ng biktima ang karagdagang bayad sa danyos na kanilang napag-usapan na kanilang gagamitin sa burol at pagpapalibing ng kanilang mahal sa buhay.

Facebook Comments