AKSIDENTE SA DAAN | 19 patay sa pagkahulog ng pampasaherong bus sa Occidental Mindoro

Occidental Mindoro – Hindi pa rin matukoy ng mga otoridad kung ano ang
naging dahilan ng pagkahulog ng isang bus sa bangin sa national highway sa
Barangay San Agustin, Sablayan, Occidental Mindoro.

Sa nasabing insidente, 19 ang patay at 25 ang sugatan na pasahero ng
Dimples Star Bus na may plakang TYU-708 kabilang na ang hindi pa
nakikilalang konduktor at driver na si Carlo Panganiban.

Ayon kay Acris Panlilo, head ng Sablayan Municipal Disaster Risk Reduction
Management Office (MDRRO), papunta sana ng Sampaloc ang nasabing bus nang
mahulog ito sa bangin na may lalaim na 10 hanggang 15 na metro, alas-9:30
kagabi.


Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang pangyayari pero
kwento ng nakaligtas na pasahero na mabilis ang bus at nawalan daw ito ng
preno.







Facebook Comments