*Cauayan City, Isabela- *Itinuring ang vehicular accident o mga aksidente sa mga lnsangan na siyang nagpaparami sa krimen na nagaganap dito sa lalawigan ng Isabela.
Ito ang inihayag ni dating Board member Ismael Atienza, ang Chairman ng Isabela Anti-Crime Task Force sa RMN Cauayan, batay sa datos ng kapulisan ay nasa animnapung porsiyento na ang mga naitatalang vehicular accident habang nasa dalawampung porsiyento naman ang datos sa iligal na droga at dalawampung porsiyento rin sa iba pang kaso na nagaganap dito sa buong lalawigan ng Isabela.
Patuloy lamang umano ang kanilang monitoring at kampanya kontra iligal na droga upang masugpo ang mga gawaing sangkot sa ipinagbabawal na gamot.
Samantala, isa rin umano sa kanilang tinutukan ngayon ay ang pagbisita at pagmonitor sa mga lugar na maaari ng maideklarang Drug Free dahil layunin umano nilang malinis sa droga ang buong lungsod ng Cauayan maging ang buong probinsya ng Isabela.