Aksidente sa motorsiklo sa Metro Manila, tumaas nitong 2018

Tumaas ang bilang ng motorcycle accidents sa Metro Manila nitong 2018.

Sa datos ng MMDA, mula sa 22,063 accidents nitong 2017 ay tumaas ito ng 26,652 accidents nitong 2018 o katumbas ng 21%.

Pangunahing dahilan pa rin ng mga insidente ay ang pagmamaneho ng nakainom o human error na madalas mangyari tuwing dis-oras ng gabi.


Muling nagpaalala ang MMDA na sundin ang itinalagang 60 kilometer per hour na speed limit sa pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA EDSA Traffic Manager Bong Nebrija – paparating na rin ang mga inorder na speed guns para hulihin ang mga hindi susunod.

Paalala pa ng MMDA sa mga driver na maging responsable habang nasa daan.

Facebook Comments